katotohanan [168] page 17 mga cristianong iglesia ng diyos [168] katotohanan [168] (edition 2.0 19960622-19991205) sabi n

Katotohanan [168] Page 17
Mga Cristianong Iglesia ng Diyos
[168]
Katotohanan [168]
(Edition 2.0 19960622-19991205)
Sabi ni Pilato kay Cristo, “Ano ang katotohanan?” sa babasahing ito
tayo ay tututok sa pagsisiyasat kung ano talaga ang katotohanan na
kaugnay sa Banal na Espiritu. Ano ang nakuha ng Iglesia ng tumanggap
ito ng Banal na Espiritu?
Christian Churches of God
PO Box 369, WODEN ACT 2606, AUSTRALIA
-------------------------------------
E-mail: [email protected]
(Copyright  1996, 1999 Wade Cox)
(Tr. 2003)
Ang babasahing ito ay malayang makopya at maibahagi kung ito ay
kukuhain ng buo na walang babaguhin o aalisin. Dapat na isama ang
pangalan ng tagapaglathala at iba pang impormasyon na nakapaloob dito.
Walang bayad na dapat ipataw sa mga mambabasa at makatatanggap ng
babasahing ito.
Ang babasahing ito ay makikita sa World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org
Katotohanan [168]
Sa babasahing ito tayo ay tututok sa pagsisiyasat kung ano talaga ang
katotohanan na kaugnay sa Banal na Espiritu. Ano ang nakuha ng Iglesia
ng tumanggap ito ng Banal na Espiritu?
Mga Gawa 1:1-5 O Teofilo, sa unang aklat ay isinulat ko ang tungkol sa
lahat ng ginawa at itinuro ni Jesus mula sa simula,2 hanggang sa araw
na iakyat siya sa langit pagkatapos na makapagbigay ng mga tagubilin
sa pamamagitan ng Espiritu Santo sa mga apostol na kanyang hinirang.3
Pagkatapos na siya’y magdusa ay buhay siyang nagpakita sa kanila sa
pamamagitan ng maraming mga katunayan. Nagpakita siya sa kanila sa
loob ng apatnapung araw at nagsalita ng mga bagay tungkol sa kaharian
ng Diyos.4 Habang kasalo nila, ipinagbilin niya sa kanila na huwag
umalis sa Jerusalem, kundi hintayin ang pangako ng Ama. Sinabi niya,
“Ito ang narinig ninyo sa akin; 5 sapagkat si Juan ay nagbautismo sa
tubig; subalit hindi na aabutin ng maraming araw mula ngayon, na
kayo’y babautismuhan sa Espiritu Santo.” (Ang Bagong Ang Biblia)
Patuloy mula sa talatang 15:
Gawa 1:15-17 At nang mga araw na ito, tumindig si Pedro sa gitna ng
mga kapatid at nagsabi (at nagkakatipon ang maraming tao, na may
isandaan at dalawampu), 16 "Mga kapatid, kailangang matupad ang
kasulatan, na ipinahayag noong una ng Espiritu Santo sa pamamagitan ni
David tungkol kay Judas, na siyang nanguna sa mga humuli kay Jesus. 17
Sapagkat siya'y ibinilang sa atin at siya'y tumanggap ng kanyang
bahagi sa paglilingkod na ito." (Ang Bagong Ang Biblia)
Sinasabi ni Pedro tungkol sa pahayag na ang Banal na Espiritu ay
nagsalita sa pamamagitan ng bibig ni David, ayon sa kasulatan tungkol
kay Judas isang libong taon na nakaraan. Ang Banal na Espiritu ang
nagbibigay ng pang-unawa, ito ang talagang punto na tinutukoy. At
saka, ipinangako ni Cristo ang kakayahan na ibinigay sa Iglesia. Noong
una pinagkakaloob ng Diyos ang Banal na Espiritu ayon sa kanyang layon
sa mga piling tao sa angkan ng Juda o Israel – hindi ito binigay sa
labas ng Israel. Ngunit ang pangakong ito ay maibibigay din sa mga
Gentil. Ibibigay sa mas maraming bilang ng tao na mga matatawag at
ipapaloob sa katawan ng kongregasyon ng Diyos. Na pinalalawig ang
dating kakayahan.
Si Juan ay maraming masasabi tungkol sa Banal na Esoiritu. Ang
ebanghelyo ni Juan ang pinakamahalaga at tunay na magpapabago o
magpapalinaw sa larawan o konsepto ng katotohanan.
Juan 14:12-21 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang sumasampalataya sa
akin ay gagawin din ang mga gawang aking ginagawa, at lalong dakilang
mga gawa kaysa rito ang gagawin niya, sapagkat ako’y pupunta sa Ama.13
At anumang hingin ninyo sa aking pangalan ay aking gagawin, upang ang
Ama ay maluwalhati sa Anak.14 Kung kayo’y humingi ng anuman sa
pangalan ko ay gagawin ko.15 “Kung ako’y inyong minamahal ay tutuparin
ninyo ang aking mga utos.16 At hihingin ko sa Ama, at kayo’y bibigyan
niya ng isa pang Mangaaliw, upang makasama ninyo siya magpakailanman,17
Ito ang Espiritu ng katotohanan na hindi kayang tanggapin ng
sanlibutan; sapagkat siya’y hindi nito nakikita o nakikilala man.
Siya’y nakikilala ninyo, sapagkat siya’y nananatiling kasama ninyo at
siya ay mapapasa inyo.18 Hindi ko kayo iiwang nag-iisa, akoy darating
sa inyo.19 Kaunti pang panahon at hindi na ako makikita ng sanlibutan,
ngunit makikita ninyo ako; sapagkat ako’y nabubuhay ay mabubuhay rin
kayo.20 Sa araw na iyon ay malalaman ninyong ako’y nasa aking Ama, at
kayo’y nasa akin, at ako’y nasa inyo.21 Siyang mayroon ng aking mga
utos at tinutupad ang mga iyon ay siyang nagmamahal sa akin, at ang
nagmamahal sa akin ay mamahalin ko, at ihahayag ko ang aking sarili sa
kanya.”(Ang Bagong Ang Biblia)
Tulad ni Cristo siya’y nasa Ama, kaya ang Ama ay nasa kanya at kaya
siya at ang Ama ay nasa atin o tumatahan sila sa atin. Iyan ang
pangako at ang Espiritu ang gumagawa upang maging posible ito.
Pag-ibig ang gumagawa ng mga pangyayari iyon bagama’t ang Espiritu ay
espiritu ng katotohanan. Siyasatin natin ang pinakapunto kung ano
talaga ang kahulugan ng pagkakaroon ng Espiritu ng katotohanan. Ano ba
ang lahat ng tungkol dito?
Titignan natin kung paano ang katotohanan ay gawain ng Espiritu at
nilalaman ng pahayag ni Juan ang sentro ng mensaheng ito. Ang
mensaheng ito ay nasa kabuuan ng Juan hanggang 2 Juan at 3 Juan din.
Katotohanan ang pinakanilalaman ng ebanghelyo ni Juan at sa kanyang
mga sulat, na ang Banal na Espiritu ang espiritu ng katotohanan.
Mga Gawa 2:1-4 Nang dumating ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay
nagkakatipon sa isang lugar. 2 Biglang dumating mula sa langit ang
isang ugong na gaya ng isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno
nito ang buong bahay kung saan sila’y nakaupo. 3 Sa kanila’y may
nagpakitang parang mga dilang apoy na nahahati at lumapag sa bawat isa
sa kanila. 4 Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo, at
nagpasimulang magsalita ng iba’t-ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa
kanila ng Espiritu.(Ang Bagong Ang Biblia)
Ang Espiritu ang nagbibigay sa mga hirang ng kakayahan magsalita at
ang ating sasabihin ay binibigay sa pamamagitan ng Espiritu na siyang
espiritu ng katotohanan.
Juan 15:26-27 Subalit kapag dumating na ang Mang-aaliw, na aking
susuguin sa inyo mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohananm, na mula sa
Ama, siya ang magpapatotoo tungkol sa akin.27 At kayo rin ay
magpapatotoo, sapagkat kayo’y nakasama ko buhat pa nang simula.(Ang
Bagong Ang Biblia)
Kaya ang Banal na Espiritu ay espiritu ng katotohanan at ang
espiritung yaon ang nagpapatotoo.
Sinabi ni Pilato: “Ano ang katotohanan?” Si Cristo ang kanyang
kinakausap. Tignan muna natin ang konsepto ng kung ano ito. Sa bandang
huli titignan naman natin kung ano ang hindi. Katotohanan ay ang
kabuuan ng Diyos. Ito’y pagkamakatuwiran; ito’y yaong mapagbabatayan
ng katotohanan, ito’y yaong maasahan at yaong tama; ito’y
nagpapahiwatig ng hustisya, dahil sa pamamagitan ng katotohanan ang
mga bagay ay mauunawaan ng tama at mailulugar sa tamang kalagayan. Sa
kabaligtaran si Satanas, ang kalaban, ang ama ng kasinungalingan
sapagkat, upang maudyokan ang mga tao na gawin ang ayon sa kanilang
nais o ikilos sila laban sa kalooban ng Diyos, may manlilinlang sa
kanila. Ang tanging paraan para ito’y magawa ay sa pagsisinungaling.
Makapagsisinungaling ka sa maraming paraan. Makapagsisinungaling ka sa
pamamagitan ng pag-gawa ng mga maling pahayag o makapagsisinungaling
ka sa pamamagitan ng pagbawas. Kaya, hindi mo masasabi ang lahat ng
katotohanan. Dahil sa ang katotohanan ay espiritual na pinaka-sentro
ng kaligtasan. Sa pagmanipula ng mga teksto o paksa sa biblia at
inilalayo mo o inilalabas mo sa mga kautusan ng diyos ang mga tao,
pinagkait mo sa kanila ang kaligtasan.
Sa minsang palitan mo ang totoong idea sa mali o huwad na idea
mababaliktad mo ang mga pisikal na pangyayari. Katotohanan ang gagabay
sa mga kilos at gawa.
Juan 3:16-21 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa
sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang
sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon
ng buhay na walang hanggan.17 Sapagka’t hindi sinugo ng Diyos ang Anak
sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang ang sanlibutan
ay maligtas sa pamamagitan niya. 18 Ang sumasampalataya sa kanya ay
hindi hinahatulan; ngunit ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na,
sapagka’t hindi siya sumampalataya sa pangalan ng tanging Anak ng
Diyos.19 At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanlibutan, at
inibig pa ng mga tao ang kadiliman kaysa ilaw sapagkat ang kanilang
mga gawa ay masasama.20 Sapagka’t ang bawat isa na gumagawa ng masama
ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang ang kanyang mga
gawa ay huwag malantad. 21 Subalit ang gumagawa ng katotohanan ay
lumalapit sa ilaw, upang malinaw na mahayag na ang kanyang mga gawa ay
naaayon sa Diyos.”(Ang Bagong Ang Biblia)
Ang katotohanan dito ay isang gawa o pagkilos, hindi ito salita ng
katotohanan. Samakatuwid ang mga gawa o pagkilos ang pumapalibot sa
kung ano ka sa mga gawa at kilos mo (sa dilim o liwanag). Sa gayon, sa
pag-gawa ng tamang kilos ayon sa mga batas ng Diyos ay magbubunga ng
mabuti. Ito’y mga tamang kilos laban sa mali o masamang gawa. Ang
punto dito, sinugo ng Ama ang kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan
upang hindi humatol, kundi maligtas sa kanya ang sanlibutan. Ang
sanlibutan ang gumagawa ng ihahatol sa kanilang mga gawa at kilos.
Hinatulan sila ng kanilang sariling gawa. Tulad din kay Moses ng
harapin siya ng mga tao, hindi siya nagsalita ng paghatol o pagkondena
sa mga kababayan niya, kundi, sinabi niya, “Panginoon alam kong sila’y
mga nagkasala ngunit Panginoon huwag mo silang lipulin”.
Gayun din ang katotohanan ay pagsamba. Ang katotohanan ay isang gawa
at tamang mga pagkilos at nagiging uri ng pagsamba, tignan ang Juan
4:23-24. kausap ni Cristo ang babaeng samaritana sa may balon.
Juan 4:23-24 Subalit dumarating ang oras at ngayon na nga, na
sasambahin ng mga tunay na sumasamba ang Ama sa espiritu at
katotohanan, sapagka’t hinahanap ng Ama ang gayong mga sumasamba sa
kanya. 24 Ang Diyos ay espiritu, at ang mga sumasamba sa kanya ay
kailangang sumamba sa espiritu at katotohanan. (Ang Bagong Ang Biblia)
Sa tamang pag-iisip magagawa mo ang mga tamang pagkilos na magdadala
sa tamang pag-samba. Katotohanan lang ang magsasabi sa iyo ng tamang
pagsamba. Kaya ang mga taong nagsasabi na hindi na mahalaga sa kanya
kung anong aral o doktrina ng kanilang iglesia, ibig sabihin, walang
halaga sa kanya kung ano ang katotohanan. Ibig sabihin nito hindi nila
masasamba ang Diyos Ama sa katotohanan. Sinasabi ng karamihan, di na
mahalaga ang tungkol sa pagsamba sa Ama. Ito talaga ang pinaka
problema sa paksa walang halaga o kabuluhan sa kanila, balewala sa
kanila. Naparito si Cristo upang iaral ang katotohanan ng ebanghelyo
ng kaharian ng Diyos at upang ipahayag ang Panginoon, ang kanyang Ama
at ang kanyang Diyos. Sa Bagong Tipan kitang-kita tumutukoy sa likas
na katangian ng Diyos at ng kanyang katotohanan.
Na ang katotohanan ay walang hanggang umiiral. Ang Diyos ay diyos ng
katotohanan. Si Juan Bautista at JesuCristo ay kapuwa nagpapatotoo sa
katotohanan
Juan 5:19-46 Kaya’t sumagot si Jesus at sinabi sa kanila,
“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi makakagawa ng anuman ang Anak
sa kanyang sarili kundi ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Sapagka’t
ang lahat ng mga bagay na kanyang ginagawa ay siya ring ginagawa ng
Anak. 20 Sapagka’t minamahal ng Ama ang Anak, at sa kanya’y
ipinapakita ang lahat ng mga bagay na kanyang ginagawa, at lalong
dakilang mga gawa kaysa mga ito ang ipapakita niya sa kanya upang
kayo’y mamangha. 21 Sapagka’t kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga
patay at sila’y binubuhay, gayundin naman binubuhay ng Anak ang
sinumang nais niya. 22 Ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao,
kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol; 23 Upang
parangalan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpaparangal sa
Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Ama na
sa kanya’y nagsugo.24 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang nakikinig
ng aking salita at sumasampalataya sa kanya na nagsugo sa akin ay may
buhay na walang hanggan, at hindi darating sa kahatulan kundi lumipat
na sa buhay mula sa kamatayan.25 Katotohanang sinasabi ko sa inyo.
Dumarating ang oras at ngayon na nga , na maririnig ng patay ang tinig
ng Anak ng Diyos at ang makarinig ay mabubuhay. 26 Sapagka’t kung
paanong ang Ama ay may buhay sa kanyang sarili, ay pinagkalooban din
niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kanyang sarili. 27 At siya’y
binigyan niya ng kapangyarihang humatol sapagka’t siya’y Anak ng Tao.
28 Huwag ninyong ipagtaka ito, sapagka’t dumarating ang oras na ang
lahat ng nasa libingan ay makarinig ng kanyang tinig, 29 at
magsisilabas, ang mga gumawa ng mabuti ay tungo sa pagkabuhay na muli
sa buhay, at ang mga gumagawa ng masama ay tungo sa pagkabuhay na muli
sa kahatulan. 30 “Hindi ako makagagawa ng anuman mula sa aking sarili.
Humahatol ako ngayon sa aking naririnig, at ang paghatol ko’y matuwid,
sapagka’t hindi ko hinahanap ang aking sariling kalooban kundi ang
kalooban ng nagsugo sa akin. 31 Kung ako’y nagpapatotoo para sa aking
sarili, ang patotoo ko ay hindi totoo. 32 Iba ang nagpapatotoo para sa
akin at alam ko na ang patotoo niya para sa akin ay totoo.33 Kayo’y
nagpadala ng sugo kay Juan, at siya’y nagpatotoo sa katotohanan. 34
Hindi sa tinatanggap ko ang patotoong mula sa tao, subalit sinasabi ko
ang mga bagay na ito upang kayo’y maligtas. 35 Siya ang ilawang
nagniningas at lumiliwanag, at ninais ninyong kayo’y magalak sumandali
sa kanyang liwanag. 36 Subalit mayroon akong patotoo na lalong dakila
kaysa kay Juan. Ang mga gawaing ibinigay sa akin ng aking Ama upang
ganapin, ang mga gawaing ito na aking ginagawa ay nagpapatotoo tungkol
sa akin na ako’y sinugo ng Ama. 37 Ang Ama na nagsugo sa akin ay
siyang nagpapatotoo tungkol sa akin. Kailanma’y hindi ninyo narinig
ang kanyang tinig, o hindi ninyo nakita ang kanyang anyo. 38 At walang
salita niya na nananatili sa inyo sapagka’t hindi kayo sumasampalataya
sa kanyang sinugo. 39 Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagka’t
iniisip ninyo na sa mga iyon ay mayroon kayong buhay na walang
hanggan; at iyon ang nagpapatotoo tungkol sa akin.40 Subalit ayaw
ninyong lumapit sa akin upang kayo’y magkaroon ng buhay. 41 Hindi ako
tumatanggap ng kaluwalhatiang mula sa mga tao. 42 Subalit nalalaman ko
na ang pag-ibig ng Diyos ay wala sa inyo. 43 Naparito ako sa pangalan
ng aking Ama at hindi ninyo ako tinanggap. Kung iba ang pumarito sa
kanyang sariling pangalan, iyon ang inyong tatanggapin. 44 Paano kayo
mananampalataya gayong tumatanggap kayo ng kaluwalhatian mula sa
isa’t-isa at hindi ninyo hinahanap ang kaluwalhatiang mula sa tanging
Diyos? 45 Huwag ninyong isiping paparatangan ko kayo sa Ama. May isang
nagpaparatang sa inyo, si Moises, siya na inyong inaasahan.46
Sapagka’t kung kayoy sumasampalataya kay Moises ay sasampalataya kayo
sa akin, sapagka’t siya’y sumulat tungkol sa akin.(Ang Bagong Ang
Biblia)
Juan 5:19 Kaya’t sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Katotohanang
sinasabi ko sa inyo, hindi makakagawa ng anuman ang Anak sa kanyang
sarili kundi ang nakikita niyang ginawa ng Ama. Sapagka’t ang lahat ng
mga bagay na kanyang ginagawa ay siya ring ginagawa ng Anak.(Ang
Bagong Ang Biblia)
Sinasabi ni Cristo “Wala akong kapangyarihan sa aking sarili, ang
nakikita ko sa Ama at ang Ama ang nagpakita sa akin kung ano ang
gagawin at aking ginagawa ang kanyang mga ginagawa.”
Juan 5:20-21 Sapagka’t minamahal ng Ama ang Anak, at sa kanya’y
ipinapakita ang lahat ng mga bagay na kanyang ginagawa, at lalong
dakilang mga gawa kaysa mga ito ang ipapakita niya sa kanya upang
kayo’y mamangha. 21 Sapagka’t kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga
patay at sila’y binubuhay, gayundin naman binubuhay ng Anak ang
sinumang nais niya. (Ang Bagong Ang Biblia)
Sabi ngayon ni Cristo, “Ang Ama ang bumubuhay sa mga patay at
nagbibigay buhay. At binigay niya sa Anak ang kapangyarihan bumuhay at
magbigay buhay sinoman ang naisin niya.
Juan 5:22 Ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi
ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol; (Ang Bagong Ang Biblia)
Isang napakahalagang konsepto. Sabi ng Ama: “Lahat ng taong ito, ang
mga hinirang at ibinigay ko sila sa Anak, bagama’t wala siyang
hinatulan. Sinabi niya “Hatulan mo sila”, gayon din sinabi niya kay
Cristo: “Huwag mong iwawala kahit sino sa kanyang ibinigay sa kanya.
Kaya makikitang doble ang sanga ng problema. Sabi ng Diyos kay Cristo
“Ang mga taong ito ay may kakayanan maging anak na lalake at anak na
babae, nasa iyo ang responsibilidad na humusga sa kanila.” Sa ibang
salita, inilagay ng Diyos ang responsibilidad kay Cristo na tayong
lahat ay madala niya sa kaharian.
Juan 5:23 Upang parangalan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang
pagpaparangal sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi
nagpaparangal sa Ama na sa kanya’y nagsugo. (Ang Bagong Ang Biblia)
Di mo mapagpupurihan ang Diyos ng di mo pinapupurihan o kinikilala si
Cristo. Kaya labas na ang Juda at Islam din.
Juan 5:24 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang nakikinig ng aking
salita at sumasampalataya sa kanya na nagsugo sa akin ay may buhay na
walang hanggan, at hindi darating sa kahatulan kundi lumipat na sa
buhay mula sa kamatayan. (Ang Bagong Ang Biblia)
Ang salita ng Diyos at testimonya ni Cristo ang katotohanan. Ang
sumasampalataya at nanalig ang magmamana ng buhay na walang hanggan.
Kaya ang Juan 17:3 at ang salita ng Diyos ang mga paraan sa buhay na
walang hanggan.
Juan 5:25 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, dumarating ang oras at
ngayon na nga, na maririnig ng patay ang tinig ng Anak ng Diyos at ang
makarinig ay mabubuhay. (Ang Bagong Ang Biblia)
Ang Ama ay imortal, walang kamatayan at pinagkalooban niya ang Anak ng
buhay na walang kamatayan na hindi talaga taglay ni Cristo. Kung may
sariling buhay si Cristo buhat pa ng pasimula, hindi na siya dapat
bigyan pa ng Diyos ng buhay.
Juan 5:27 At siya’y binigyan niya ng kapangyarihang humatol sapagka’t
siya’y Anak ng Tao. (Ang Bagong Ang Biblia)
Ito ay nakakaakit na konsepto na mula sa pinaka-sentro ng katotohanan
at determinasyon ni Cristo. Naparito si Cristo upang isalaysay ang mga
salita ng Diyos at ipinapahayag ang darating na kaharian ng Diyos sa
tao.
Juan 5:28-46 Huwag ninyong ipagtaka ito, sapagka’t dumarating ang oras
na ang lahat ng nasa libingan ay makarinig ng kanyang tinig, 29 at
magsisilabas, ang mga gumawa ng mabuti ay tungo sa pagkabuhay na muli
sa buhay, at ang mga gumagawa ng masama ay tungo sa pagkabuhay na muli
sa kahatulan. 30 “Hindi ako makagagawa ng anuman mula sa aking sarili.
Humahatol ako ngayon sa aking naririnig, at ang paghatol ko’y matuwid,
sapagka’t hindi ko hinahanap ang aking sariling kalooban kundi ang
kalooban ng nagsugo sa akin. 31 Kung ako’y nagpapatotoo para sa aking
sarili, ang patotoo ko ay hindi totoo. 32 Iba ang nagpapatotoo para sa
akin at alam ko na ang patotoo niya para sa akin ay totoo. 33 Kayo’y
nagpadala ng sugo kay Juan, at siya’y nagpatotoo sa katotohanan. 34
Hindi sa tinatanggap ko ang patotoong mula sa tao, subalit sinasabi ko
ang mga bagay na ito upang kayo’y maligtas. 35 Siya ang ilawang
nagniningas at lumiliwanag, at ninais ninyong kayo’y magalak sumandali
sa kanyang liwanag. 36 Subalit mayroon akong patotoo na lalong dakila
kaysa kay Juan. Ang mga gawaing ibinigay sa akin ng aking Ama upang
ganapin, ang mga gawaing ito na aking ginagawa ay nagpapatotoo tungkol
sa akin na ako’y sinugo ng Ama. 37 Ang Ama na nagsugo sa akin ay
siyang nagpapatotoo tungkol sa akin. Kailanma’y hindi ninyo narinig
ang kanyang tinig, o hindi ninyo nakita ang kanyang anyo. 38 At walang
salita niya na nananatili sa inyo sapagka’t hindi kayo sumasampalataya
sa kanyang sinugo. 39 Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagka’t
iniisip ninyo na sa mga iyon ay mayroon kayong buhay na walang
hanggan; at iyon ang nagpapatotoo tungkol sa akin. 40 Subalit ayaw
ninyong lumapit sa akin upang kayo’y magkaroon ng buhay. 41 Hindi ako
tumatanggap ng kaluwalhatiang mula sa mga tao. 42 Subalit nalalaman ko
na ang pag-ibig ng Diyos ay wala sa inyo. 43 Naparito ako sa pangalan
ng aking Ama at hindi ninyo ako tinanggap. Kung iba ang pumarito sa
kanyang sariling pangalan, iyon ang inyong tatanggapin. 44 Paano kayo
mananampalataya gayong tumatanggap kayo ng kaluwalhatian mula sa
isa’t-isa at hindi ninyo hinahanap ang kaluwalhatiang mula sa tanging
Diyos? 45 Huwag ninyong isiping paparatangan ko kayo sa Ama. May isang
nagpaparatang sa inyo, si Moises, siya na inyong inaasahan. 46
Sapagka’t kung kayoy sumasampalataya kay Moises ay sasampalataya kayo
sa akin, sapagka’t siya’y sumulat tungkol sa akin. (Ang Bagong Ang
Biblia)
Ang katotohanan ay kalayaan
Juan 8:21-50 Muli niyang sinabi sa kanila, “Aalis ako,at ako’y inyong
hahanapin, at mamamatay kayo sa inyong kasalanan. Sa aking pupuntahan
ay hindi kayo makakapunta.” 22 Sinabi ng mga Judio, “Magpakamatay kaya
siya sapagkat kanyang sinabi, “Sa aking pupuntahan ay hindi kayo
makakapunta.” 23 Sinabi niya sa kanila, “Kayo’y mga taga-ibaba, ako’y
taga-itaas. Kayo’y mga taga-sanlibutang ito; ako’y hindi
taga-sanlibutang ito. 24 Kaya’t sinabi ko sa inyo na kayo’y mamamatay
sa inyong mga kasalanan, sapagka’t malibang kayo’y sumampalataya na
Ako Nga, ay mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.” 25 Sinabi nila sa
kanya, ”Sino ka ba?” Sinabi sa kanila ni Jesus, “Bakit kailangan pang
makipag-usap ako sa inyo?” 26 Mayroon akong maraming bagay na
sasabihin at hahatulan tungkol sa inyo. Subalit ang nagsugo sa akin ay
totoo, at sinasabi ko sa sanlibutan ang mga bagay na narinig ko sa
kanya.” 27 Hindi nila naunawaa na siya ay nagsasalita sa kanila
tungkol sa Ama. 28 Sinabi ni Jesus, “Kapag naitaas na ninyo ang Anak
ng Tao, saka ninyo makikilala na ako nga siya, at wala akong ginagawa
mula sa aking sarili kundi sinasabi ko ang mga bagay ayon sa itinuro
sa akin ng Ama. 29 At siya na nagsugo sa akin ay kasama ko, hindi niya
ako pinabayaang nag-iisa; sapagka’t lagi kong ginagawa ang mga baga’y
na nakakalugod sa kanya.” 30 Samantalang sinasabi niya ang mga bagay
na ito ay marami ang sumampalataya sa kanya. 31 Pagkatapos ay sinabi
ni Jesus sa mga Hudiong sumasampalataya sa kanya, “Kung kayo’y
mananatili sa aking salita, tunay ngang kayo’y mga alagad ko. 32 At
inyong malalaman ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya
sa inyo.” (Ang Bagong Ang Biblia)
Kaya sa pamamagitan ni Cristo at ng kaalaman na may Iisang Tunay na
Diyos at si JesuCristo ang Kanyang Anak (Juan 17:3), ang katotohanang
ito ang nagpapalaya sa isang tao. Habang nauunawan at
pinananampalatayaan ang katotohanan, malaya ka. Kahit pa ikulong nila
ang katawan mo, di nila makukulong ang isipan mo.
Juan 8:33 Sumagot sila sa kanya, “Kami’y mula sa binhi ni Abraham, at
kailanma’y hindi pa naging alipin ng sinuman. Bakit mo sinasabing,
“Kayoy magiging Malaya?”(Ang Bagong Ang Biblia)
Nasa kanila ang lahat ng katotohanan. Alam nila ang Banal na
Kasulatan. Sila ang binhi ni Abraham, at sila ang mga tagapangasiwa sa
Jerusalem at sila ang talagang masasabing maharlikang namumuno. Sila
iyong nasa alta-sociodad, kaya hindi nila kailangan ang anomang bagay.
Mayroon silang sariling estado, nasa panig nila ang mga Romano, at
pinapakitunguhan silang mabuti.
Juan 8:34-37 Sinagot sila ni Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo,
ang bawat nagkakasala ay alipin ng kasalanan. 35 Ang alipin ay walang
palagiang lugar sa sambahayan. Ang Anak ay may lugar doon
magpakailanman. 36 Kaya’t kung kayo’y palayain ng Anak, kayo’y
magiging tunay na Malaya. 37 Nalalaman ko na kayo’y binhi ni Abraham;
subalit pinagsisikapan ninyong ako’y patayin, sapagka’t ang salita
ko’y walang paglagyan sa inyo. (Ang Bagong Ang Biblia)
Iniligaw o binigyan ng maling kahulugan ang katotohanan ng Diyos sa
pamamagitan ng kanilang mga tradisyon. Tinatawag nila ang kanilang
tradisyon na kautusan at ito raw ang batas ng Diyos at ginagamit nila
ito para baguhin ang mga nasulat na Batas ng Diyos. Isinulat nila ang
salita ng kanilang mga kautusan at ginawa itong mga kautusang
nasusulat na siyang nagpabago sa biblia.
Juan 8:38-48 Sinasabi ko ang mga bagay na aking nakita sa aking Ama,
at kayo, ginagawa naman ninyo ang mga bagay na narinig ninyo mula sa
inyong ama.” 39 Sila’y sumagot sa kanya, “Si Abraham ang aming ama.
“Sa kanila’y sinabi ni Jesus, “Kung kayo’y mga anak ni Abraham ay
gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham. 40 Subalit ngayo’y
pinagsisikapan ninyo akong patayin, isang taong nagsasabi sa inyo ng
katotohanan na aking narinig sa Diyos. Ito’y hindi ginawa ni Abraham.
41 Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama.” Sinabi nila sa kanya,
“Hindi kami ipinanganak sa pakikiapid. Mayroon kaming isang Ama, ang
Diyos.” 42 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Kung ang Diyos ang inyong ama,
ay inibig ninyo sana ako, sapagka’t ako’y nagmula sa Diyos at ngayon
ay naririto ako. Hindi ako naparito mula sa aking sarili kundi sinugo
niya ako. 43 Bakit hindi ninyo nauunawaan ang aking sinasabi?
Sapagka’t hindi ninyo matanggap ang aking salita. 44 Kayo’y mula sa
inyong amang diyablo, at ang nais ninyong gawin ay ang kagustuhan ng
inyong ama. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa sa simula, at hindi
naninindigan sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kanya.
Kapag siya ay nagsasalita ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita ayon
sa kanyan sariling likas, sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama
ng kasinungalingan. 45 Ngunit dahil sa sinasabi ko ang katotohanan ay
hindi kayo nananampalataya sa akin. 46 Sino sa inyo ang makakasumbat
sa akin tungkol sa kasalanan? Kung sinasabi ko ang katotohanan, bakit
hindi kayo sumasampalataya sa akin? 47 Ang mula sa Diyos ay nakikinig
ng mga salita ng Diyos. Ang dahilan kung bakit hindi ninyo
pinakikinggan ang mga ito ay sapagka’t kayo’y hindi mula sa Diyos. 48
Sumagot ang mga Hudio sa kanya, “Hindi ba tama ang aming sinabi na
ikaw ay isang Samaritano at mayroon kang demonyo?”
Para sa mga Judio, ang mga Samaritano ang pinakamababang uri ng hayop.
Ibig nilang sabihin doon siya nagmula, hindi Judio. Kaya inaatake nila
ang kanyang pinag-mulan. Inakala nila siya ang Messias, hindi lang
nila matanggap na siya ito. Hindi nila matanggap na siya’y isang Judio
- kasinungalingan na naman. Ito ang buong labanan sa Juan –
katotohanan laban sa katha. Si Satanas laban sa Diyos at kay Cristo.
Juan 8:49-51 Sumagot si Jesus, “Akoy walang demonyo, kundi
pinararangalan ko ang aking Ama, at inyong sinisira ang aking
karangalan. 50 Ngunit hindi ko hinahanap ang aking sariling
kaluwalhatian. Mayroong isa na humahanap nito at siya ang hukom.
51Katotohanang sinasabi ko sa inyo, kung ang sinuman ay tutupad ng
aking salita, hindi siya makakakita ng kamatayan kailanman.”
Iyan ang pinaka-kabuoan ng mensahe ni Cristo. Ang salita ng Diyos ang
susi sa buhay. Na upang di masumpungan ang kamatayan. Kung susundin
natin ang mga bagay na sinasabi ni Cristo, hindi natin makikita ang
kamatayan. Si Cristo, sa pamamagitan niya at siya ang daan. Nakikita
natin ang napakaraming bagay tungkol sa katotohanan at kasinungalingan
sa ebanghelyo ni Juan. Kung pag-iisipan ninyo si Juan, tinutukoy niya
ang laban ng katotohanan at kasinungalingan at ang katayuan ni Cristo
sa pakikibaka.
Juan 14:6-7 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang daan, at ang
katotohanan, at ang buhay. Sinuman ay hindi makakarating sa Ama kundi
sa pamamagitan ko. 7 Kung ako’y kilala ninyo ay makikilala rin ninyo
ang aking Ama. Mula ngayon siya’y inyong nakikilala at siya’y inyong
nakita.”
Kaya ang pinakalarawan nito sa pamamagitan ng Espiritu nakita nila si
Cristo at ang kanyang mga gawa. Nakita nila ang Banal na Espiritu kay
Cristo sa makatuwid nakita na nila ang Ama. Tayo’y may Banal na
Espiritu, ganun din nakikita tayo ng mga tao at nakikita ang Ama.
Madalas ang mga tao’y galit sa atin ng walang dahilan tulad ng galit
nila kay Cristo na walang dahilan. Kapag nakita nila ang Ama sa atin
(o salita ng katotohanan sa atin), hindi nila agad sasabihin “Di ba’t
sila’y mabubuting tao?” Sa ibang kadahilanan nabubuo sa kanila ang
kakaibang galit sa atin ng walang dahilan.
Maraming tao ang nakakasumpong sa Banal na Espiritu at sila’y
kumikilos ng laban dito. Wala kang magagawa kundi sabihin “Ama
patawarin mo sila dahil di nila nalalaman ang kanilang ginagawa. Sa
mas mataas na kaalaman mo, mas maraming galit ang makikita mo.
Ang espiritu ang kumikilos at si Cristo ang daan, ang katotohanan at
ang liwanag. Makararating tayo sa Ama sa pamamagitan niya, sa
katotohanan at liwanag. Ang magkasunod ay ang daan, na siyang patungo
sa buhay. Kaya ito naiayos ng ganitong magkasunod. Kapag tayo’y
naibigay kay Cristo, lalakad tayo sa daan na siyang daan ng
katotohanan kaya dapat nating matukoy ang tamang pagkilala sa
katotohanan laban sa mga katha. Dahil ang katotohanan ang paraan ng
mga gagawin. Ang espiritu na ngayon ang gagabay sa ating pagkilos o
pinaka-sandigan sa katotohanan.
Juan 16:12-33 Mayroon pa akong maraming bagay na sasabihin sa inyo,
ngunit hindi ninyo kayang dalhin sa ngayon. 13 Subalit kapag dumating
na ang Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa buong
katotohanan. Sapagka’t hindi siya magsasalita nang mula sa kanyang
sarili, kundi ang anumang bagay na kanyang marinig, iyon ang kanyang
sasabihin at kanyang ipapahayag sa inyo ang mga bagay na darating. 14
Luluwalhatiin niya ako, sapagka’t kanyang tatanggapin ang sa akin, at
sa inyoy ipahahayag. 15 Ang lahat ng mga bagay na nasa Ama ay akin,
kaya sinabi ko na kanyang tatanggapin ang sa akin, at sa inyoy
ipahahayag. 16 ”Sandali na lamang, at ako’y hindi na ninyo makikita,
at muling sandali pa, at ako’y inyong makikita.” 17Ang ilan sa kanyang
mga alagad ay nagsabi sa isa’t-isa, “Ano itong sinasabi niya sa atin,
‘Sandali na lamang, at ako’y hindi na ninyo makikita, at muling
sandali pa, at ako’y inyong makikita’ at, ‘Sapagka’t ako’y pupunta sa
Ama?’”
18 Sinabi nila, “Ano ang ibig niyang sabihin na, ‘Sandali na lamang?’
Hindi natin alam kung ano ang sinasabi niya.” 19Nalalaman ni Jesus na
ibig nilang magtanong sa kanya, kayat sinabi niya sa kanila,
“Nagtatanungan ba kayo tungkol dito sa aking sinabi, ‘Sandali na
lamang at ako’y hindi na ninyo makikita, at muling sandali pa, at
ako’y inyong makikita?’ 20 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayo’y
iiyak at tatangis, subalit ang sanlibutan ay magagalak. Kayo’y
malulungkot, subalit ang inyong kalungkutan ay magiging kagalakan. 21
Kapag ang babae ay nanganganak, siya ay nahihirapan sapagka’t dumating
na ang kanyang oras. Ngunit pagkapanganak niya sa sanggol ay hindi na
niya naaalala ang hirap dahil sa kagalakan sa pagkapanganak sa isang
tao sa sanlibutan. 22 Kayo sa ngayon ay may kalungkutan, ngunit muli
ko kayong makikita. Magagalak ang inyong puso, at walang
makakapag-alis sa inyo ng inyong kagalakan. 23 Sa araw na iyon ay
hindi kayo magtatanong sa akin ng anuman. Katotohanang sinasabi ko sa
inyo, kung kayo’y hihingi ng anuman sa Ama sa aking pangalan ay
ibibigay niya ito sa inyo. 24 Hanggang ngayo’y wala pa kayong
hinihinging anuman sa pangalan ko. Kayo’y humingi at kayo’y tatanggap,
upang malubos ang inyong kagalakan. 25 ”Sinabi ko sa inyo ang mga
bagay na ito sa paraang patalinghaga. Darating ang oras, na hindi na
ako magsasalita sa inyo nang patalinghaga, kundi maliwanag na sa
inyo’y sasabihin ko ang tungkol sa Ama. 26 Sa araw na iyon ay hihingi
kayo sa aking pangalan, at hindi ko sinasabi sa inyo na ako’y hihingi
sa Ama para sa inyo. 27 Sapagka’t ang Ama mismo ang nagmamahal sa
inyo, sapagka’t ako’y inyong minahal, at kayo’y nanampalataya na
kayo’y buhat sa Diyos.
Hindi na dapat si Jesus pa ang humiling sa Ama para sa atin.
Mananawagan tayo deretso sa Ama sa pangalan ni JesuCristo at
ipagkaloob sa atin ang mga Panawagan at Hiling.
Juan 16:28-29 Ako’y nagbuhat sa Ama at dumating ako sa sanlibutan.
Muli, iiwan ko ang sanlibutan, at ako’y pupunta sa Ama.” 29 Sinasabi
ng kanyang mga alagad, “Oo nga, ngayo’y nagsasalita kang malinaw, at
hindi patalinghaga.
Kailangan mo ng Banal na Espiritu upang maunawaan ang mga talinghaga
sa Biblia. Kapag hindi mo maunawaan ang talinghaga, ito’y dahil hindi
mo pinalalago ang Banal na Espiritu na ipinagkaloob sa iyo. Kapag
binasa mo ang Biblia at di mo maintindihan, ito’y dahil wala kang
sapat na pakikipag-ugnay sa espiritu.
Juan 16:30 Ngayon ay nalalaman namin na nalalaman mo ang lahat ng mga
bagay, at hindi na kailangang tanungin ka ng sinuman. Dahil dito’y
sumampalataya kami na ikaw ay nagbuhat sa Diyos.”
Ang apostol ay di pa nakapag-babalik loob at wala pang Banal na
Espiritu hanggang sa Pentecost.
Juan 16:31-32 Sinagot sila ni Jesus, “Ngayon ba ay sumasampalataya na
kayo?” 32 Narito, ang oras ay dumarating, at dumating na nga, na
kayo’y magkakawatak-watak, ang bawat isa sa kanyang sarili, at ako’y
iiwan ninyong mag-isa. Subalit hindi ako nag-iisa, sapagka’t ang Ama
ay kasama ko.
Bawa’t tao’y maaring magkahiwa-hiwalay at di kayo mag-iisa, dahil ang
Ama ay nasa bawa’t isa sa atin.
Juan 16:33 Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo, upang sa akin ay
magkaroon kayo ng kapayapaan. Sa sanlibutan ay nahaharap kayo sa
pag-uusig. Ngunit lakasan ninyo ang iyong loob, dinaig ko na ang
sanlibutan.”
Kahit ikaw ay nag-iisa, ang Diyos ay nakikipag-ugnay sayo. Ang lahat
ng bagay ay nangyayari sa ikakabuti ng mga tinawag ayon sa layunin ng
Diyos.
Tayo’y mga pinababanal sa pamamagitan ng katotohanan
Juan 17:6-19 Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga taong ibinigay mo
sa akin mula sa sanlibutan. Sila ay sa iyo, at sila’y ibinigay mo sa
akin, at tinupad nila ang iyong salita.
Iyan ang kanilang kasunduan kailangan nilang sundin ang salita ng
Diyos. Ito’y bahagi ng ating kasunduan, itinagubilin o binigay tayo ng
Diyos, at si JesuCristo ang nakikipagtrato sa atin. Pero kailangan
natin sundin ang salita ng Diyos para manatili tayo sa kasunduan. Iyan
ang katotohanan.
7 Ngayon ay nalalaman nila na ang lahat ng mga bagay na ibinigay mo sa
akin ay mula sa iyo; 8 sapagka’t ang mga salitang ibinigay mo sa akin
ay ibinigay ko sa kanila, at kanilang tinanggap, at totoong nalaman na
ako ay nagmula sa iyo, at naniwala silang ikaw ang nagsugo sa akin. 9
Idinadalangin ko sila. Hindi ang sanlibutan ang idinadalangin ko,
kundi para doon sa mga ibinigay mo sa akin, sapagka’t sila’y iyo.10
Ang lahat ng sa akin ay iyo, at ang sa iyo ay sa akin, at ako’y
naluluwalhati sa kanila. 11 At ngayon ay wala na ako sa sanlibutan,
subalit ang mga ito ay nasa sanlibutan, at ako’y papariyan sa iyo.
Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan, sila na ibinigay mo sa
akin, upang sila’y maging isa, na gaya naman natin na iisa. 12 Habang
ako’y kasama nila, iningatan ko sila sa iyong pangalan, sila na
ibinigay mo sa akin. Sila’y binantayan ko, at isa man sa kanila ay
walang napahamak, maliban sa anak ng kapahamakan, upang matupad ang
kasulatan. 13 Ngunit ngayon ay pupunta ako sa iyo. Ang mga bagay na
ito ay sinabi ko sa sanlibutan, upang sila’y magkaroon ng aking
kagalakang ganap sa kanilang sarili. 14 Ibinigay ko sa kanila ang
iyong salita at napoot sa kanila ang sanglibutan, sapagka’t hindi sila
taga-sanlibutan, gaya ko naman na hindi taga-sanlibutan. 15 Hindi ko
hinihiling na alisin mo sila sa sanlibutan, kundi ingatan mo sila mula
sa masama. 16 Hindi sila taga-sanlibutan, na gaya ko na hindi
taga-sanlibutan. 17 Pabanalin mo sila sa katotohanan; ang salita mo ay
katotohanan. 18 Kung paanong ako’y iyong sinugo sa sanlibutan, sila ay
sinugo ko rin sa sanlibutan. 19 At dahil; sa kanila’y pinabanal ko ang
aking sarili, upang sila naman ay pabanalin sa katotohanan.
Ang kabuuan ng proseso o konsepto: Na ang salita ng Diyos ay
katotohanan at pinabanal tayo ng mga salita na Diyos. Kaya makikilala
na ang pinaka-nilalaman ng salita ng Diyos ay pakabanalin tayo. Dahil
ang salita ng Diyos ay katotohanan.
Juan 17:17 Pabanalin mo sila sa katotohanan; ang salita mo ay
katotohanan.
Pananagutan ng mga saserdote ang mawala o malihis sa katotohanan.
Mal. 2:1-12 ”Ngayon, o kayong mga pari, ang utos na ito ay para sa
inyo.
Ang pinaka-sentro ng mga katotohanan ng Diyos ay ipinamahala sa mga
saserdote at nakita ninyo sa kapanahunan ngayon ng ika-20 siglo kung
anong pagpapahalaga meron ang mga saserdote o mangangaral para sa
katotohanan ng Diyos. Ang iba, ang nasa isip nila na hindi na mahalaga
kung ang Diyos ay iisa, dalawa o tatlong persona, balewala ito sa
kanila. Ano ang sinabi ng Diyos tungkol dito?
Mal. 2:2-6 Kung hindi kayo makikinig, at kung hindi ninyo ilalagak sa
inyong puso na bigyang kaluwalhatian ang aking pangalan, sabi ng
PANGINOON ng mga hukbo, ipadadala ko sa inyo ang sumpa at aking
susumpain ang mga pagpapala ninyo. Sa katunayan, akin na silang
isinumpa, sapagka’t hindi ninyo inilagak sa inyong puso. 3 Narito,
sasawayin ko ang inyong anak, at sasabugan ko ng dumi ang inyong mga
mukha, ang dumi ng inyong mga kapistahan; at kayo’y aalisin kasama
nito. 4 Inyong malalaman na aking ipinadala ang utos na ito sa inyo
upang ang aking tipan kay Levi ay manatili, sabi ng PANGINOON ng mga
hukbo. 5 Ang aking tipan sa kanya ay isang tipan ng buhay at
kapayapaan; at ibinigay ko ang mga iyon sa kanya upang siya’y matakot;
at siya’y natakot sa akin, at siya’y nagbigay-galang sa aking
pangalan. 6 Ang kautusan ng katotohanan ay nasa kanyang bibig, at
walang kalikuan na nasumpungan sa kanyang mga labi. Siya’y lumakad na
kasama ko sa kapayapaan at katuwiran, at inilayo niya sa kasamaan ang
marami.
Naging tapat si Levi sa katotohanan hanggang sa ang mga pariseo ay
gumawa ng salita ng kautusan at pinilipit ng mga tradisyon.
Mal. 2:7-9 Sapagka’t ang mga labi ng pari ay dapat mag-ingat ng
kaalaman, at dapat hanapin ng mga tao ang kautusan sa kanyang bibig,
sapagka’t siya ang sugo ng PANGINOON ng mga hukbo.8 Ngunit kayo’y
lumihis sa daan; naging dahilan kayo upang matisod ang marami sa
pamamagitan ng inyong kautusan, inyong pinasama ang tipan ni Levi,
sabi ng PANIGNOON ng mga hukbo. 9 Kaya’t ginawa ko kayong hamak at aba
sa harap ng buong bayan, yamang hindi ninyo iningatan ang aking mga
daan, kundi nagpakita kayo ng pagtatangi sa inyong kautusan.”
Iyan ang mga paglihis na ginawa ng mga saserdote ngayong ika-20 siglo.
Tignan na lang ninyo ang mga By-Laws ng ibang iglesia ng Diyos.
Mal. 2:10-11 Hindi ba iisa lamang ang ating ama? Hindi ba iisang Diyos
ang lumalang sa atin? Bakit nga tayo nagtataksil sa isa’t-isa na
nilalapastangan ang tipan ng ating mga ninuno? 11 Naging taksil ang
Juda, at ang kasuklaman ay nagawa sa Israel at sa Jerusalem; sapagka’t
nilapastangan ng Juda ang santuwaryo ng PANGINOON, na kanyang iniibig,
at nag-asawa sa anak na babae ng ibang diyos.
Ang mga ibang Diyos ng mga huling panahon ang Trinitarianism. Diyos na
may tatlong persona. Ganito rin ang ginawa dito ng mga saserdote.
Malakias. 2:12 Ihiwalay nawa ng PANGINOON mula sa mga tolda ng Jacob
ang taong gumawa nito, ang sinumang gigising o sasagot o magdadala ng
handog sa PANGINOON ng mga hukbo!
Idinasal ni Cristo na tayo’y maging isa tulad niya at ng mga Apostol
na iisa sa katotohana ng Diyos.
Juan 17:20-26 Gayunma’y hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi
sila rin naman na mga sumasampalataya sa akin sa pamamagitan ng
kanilang salita, 21 upang silang lahat ay maging isa. Gaya mo, Ama, na
nasa akin at ako’y sa iyo, sana sila’y manatili sa atin, upang ang
sanlibutan ay sumampalataya na ako’y sinugo mo. 22 At ang
kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila, upang
sila’y maging isa, na gaya naman natin na iisa. 23 Ako’y nasa kanila
at ikaw ay nasa akin, upang sila’y maging ganap na isa upang malaman
ng sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin at sila’y iyong minahal kung
paanong ako’y iyong minahal. 24 Ama, nais kong ang mga ibinigay mo sa
akin ay makasama ko kung saan ako naroroon, upang Makita nila ang
kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin, sapagka’t ako’y iyong minahal bago
pa man natatag ang sanlilbutan. 25 O Makatarungang Ama, hindi ka
nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita, at nakikilala ng mga
ito na ikaw ang nagsugo sa akin. 26 Ipinakilala ko sa kanila ang
pangalan mo, at aking ipapakilala, upang ang pag-ibig mo sa akin ay
mapasakanila, at ako’y sa kanila.”
Dito makikita natin kung saan nagmula ang pag-ibig. Ang pinaka-sentro
ng pag-ibig ay nagmumula sa gawa ng katotohanan ng Diyos. Imposible
ang magmahal ng walang katotohanan. Iyan ang tunay na pakiki-isa sa
Diyos. Kung saan lang tayo kaisa ng Diyos kundi sa pamamagitan lamang
ng katotohanan sa tamang pag-unawa lamang sa mga salita ng Diyos at sa
pamamagitan ng tamang aral ang pag-mumulan lahat ng katotohanan. Dahil
dito, ay karunungan at kaligtasan.
Sa pagpapatuloy sa Juan 18 makikita natin na ang bawa’t kabanata ay
tumutukoy sa aspeto na pinaka-sentro nitong katotohanan at pag-ibig ng
Diyos at paano sasaating buhay ang Diyos tulad kay Cristo. Ang Diyos,
sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay sumasa kay Cristo at ang Diyos
sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay sumasa atin. Pinagsama-sama
tayong lahat o pinag-isa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu sa
katotohanan. Kung pasisinungalingan natin at hindi bibigyan halaga ang
katotohanan, wala tayo sa Banal na Espiritu. Kaya ang tamang doktrina
kasama ang tamang pagkaunawa sa iisang Diyos, ang likas na katangian
nito. Paano ito kumilos at ang iyong pakikitungo sa Diyos ay mahalaga
sa kaligtasan. Iyan ang kristiyanong pamumuhay. Ang katotohanan ang
buhay kristiyano. Hindi ka maaaring mabuhay bilang kristiyano ng
walang katotohanan. Ang katotohanan ang pinaka-batayan, saligan o
pundasyon ng pag-ibig. Ang pundasyon ng kristiyanong pamumuhay.
Katotohanan ang nangingibabaw sa buhay kristiyano.
Juan 18:33-38 Si Pilato ay muling pumasok sa palasyo ng gobernador, at
tinawag si Jesus, at sinabi sa kanya, “Ikaw ba ang Hari ng mga Hudio?”
34 Sumagot si Jesus, “Sinasabi mo ba ito mula sa iyong sarili, o may
ibang nagsabi sa iyo tungkol sa akin?” 35 Si Pilato ay sumagot, “Ako
ba’y Hudio? Ang iyong sariling bansa at ang mga punong pari ang
nagdala sa iyo sa akin. Ano bang ginawa mo?” 36 Sumagot si Jesus, “Ang
kaharian ko ay hindi mula sa sanlibutang ito. Kung ang kaharian ko ay
mula sa sanlibutang ito, ang aking mga tauhan ay makikipaglaban sana
upang ako’y huwag maibigay sa mga Hudio; ngunit ang aking kaharian ay
hindi mula rito.” 37 Sinabi sa kanya ni Pilato, “Kung gayon ikaw ay
hari?” Sumagot si Jesus, “Ikaw ang nagsasabing ako’y hari. Ako’y
ipinanganak dahil dito, at dahil dito ay pumarito ako sa sanlibutan,
upang magpatotoo sa katotohanan. Ang bawat isang panig sa katotohanan
ay nakikinig sa aking tinig.” 38 Sinabi sa kanya ni Pilato, “Ano ang
katotohanan?”
Hindi malaman ni Pilato kung ano talaga ang kasalanan ni Cristo. Bakit
dinala sa kanya ng mga Hudio ang isang taong inosente at hinihinging
ipataw ang parusang kamatayan, sa isang Romano? Nalilito dito si
Pilato. Alam ni Pilato kung ano ang gusto ng mga Hudio. Mas tanggap at
gusto nilang pawalang sala ang isang mamamatay tao, si Barnabas, para
maparusahan ng kamatayan si Cristo. Dahil nakay Cristo ang
pinaka-sentro ng katotohanan ng Diyos. Nasa kanyang katauhan at
tinutuligsa niya ang mga Pariseo, mga Saduceo at mga pinaka-katangian
nito at ang halos buong komunidad ng Hudio. Dahil dito galit sila kay
Cristo. Iyan din ang dahilan kung bakit sila nagagalit sa atin dahil
may katulad pa natin na nabubuhay. Dahil nananatili pa rin tayong
nabubuhay at iyan ang tumutuligsa sa lahat na hindi naniniwala sa
katotohanan ng Diyos. Kaya sila galit sa atin. Hindi sila galit dahil
sa pagkatao natin kundi dahil galit sila sa Ama at galit din sila sa
Messia na Kanyang isinugo. Kahit sinasambit ng kanilang labi ang
Kanyang pangalan at tumatawag sa pangalan ni Cristo pitong araw isang
lingo, hindi sila sa ating Ama o ng katotohanan. Hindi lahat ng
tumatawag Panginoon, Panginoon ay makapapasok sa kaharian ng Diyos.
Juan 18:36-37 Sumagot si Jesus, “Ang kaharian ko ay hindi mula sa
sanlibutang ito. Kung ang kaharian ko ay mula sa sanlibutang ito, ang
aking mga tauhan ay makikipaglaban sana upang ako’y huwag maibigay sa
mga Hudio; ngunit ang aking kaharian ay hindi mula rito.” 37 Sinabi sa
kanya ni Pilato, “Kung gayon ikaw ay hari?” Sumagot si Jesus, “Ikaw
ang nagsasabing ako’y hari. Ako’y ipinanganak dahil dito, at dahil
dito ay pumarito ako sa sanlibutan, upang magpatotoo sa katotohanan.
Ang bawat isang panig sa katotohanan ay nakikinig sa aking tinig.”
Iyan ang pinaka-tanging dahilan ng ministeryo ni JesuCristo, at ang
kanyang kapanganakan at kamatayan. Ang mapagtibay ang katotohanan.
Ganyan kahalaga ang katotohanan sa mga Hirang.
Juan 18:38 Sinabi sa kanya ni Pilato, “Ano ang katotohanan?”
Ang bawat ayon sa katotohanan ay nakikinig sa aking tinig. Sinabi ni
Pilato sa kanya. Ano ang katotohanan?
Ang mga salita sa Biblia ay katotohanan at nililinaw nito o
ipinaliliwanag ang bawat isa. Ang Biblia ay isang buhay na organismo.
Sa pamamagitan lamang ng Banal na Espiritu na malalaman mo ang
katotohanan na mula sa Diyos. Hindi mo mauunawaan ang mga talinghaga
sa Biblia kung wala kang Banal na Espiritu. Sinoman magsabi na walang
halaga sa kanila ang aral ng Iglesia at nagsasabing kuntento na o
masaya na sila kung saan sila nandon, ipinakikita lang na sila’y hindi
isa sa atin. Kung masusumpungan mo ang katotohanan at kikilos ka ayon
dito at paninindigan mo ang Ebanghelyo ng katotohanan. Binabanggit ni
Pablo ang pagtatanggol nila sa katotohanan ng Ebanghelyo sa Gal.
2:5-9.
Ang ating tungkulin ay pangalagaan ang katotohanan
Mga Taga Roma 15:1-21 Tayo ngang malalakas ay nararapat mangagbata ng
kahinaan ng mahihina, at huwag tayong mangagbigay lugod sa ating
sarili. 2 Bawat isa sa atin ay magbigay lugod sa kaniyang kapuwa, sa
kaniyang ikabubuti sa ikatitibay. 3 Sapagkat si Cristo man ay hindi
nagbigay lugod sa kaniyang sarili; kundi gaya ng nasusulat, Ang mga
pag-alipusta ng mga nagsisi-alipusta sa iyo, ay mangahulog sa akin. 4
Sapagkat ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat
dahil sa ikatuturo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw
ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa. 5 Loobin nawa ng
Diyos ng pagtitiis at paggiliw, na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa
isat-isa ayon kay Cristo Jesus. 6 Upang kayo na may isang pagiisip sa
pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Dyos at Ama ng
ating Panginoog JesuCrsito.
Upang maging iisang pag-iisip sa bawat isa alinsunod kay JesuCristo ay
hindi nangangahulugang kinakailangan mong sumang-ayon sa bawat bagay
at ulitin lahat ng mga bagay na sinasabi ng lahat,. Ang tungkulin ng
Iglesia ay papurihan ang Diyos Ama, ang Ama ng ating Panginoong
JesuCristo, hindi para papurihan si JesuCrsito bilang Diyos kapalit ng
Diyos Ama. Ang Ama ay ang paksa ng pagluluwalhati.
7 Sa ganitoy mangagtanggapan kayo, gaya naman ni Cristo na tinanggap
kayo sa kaluwalhatian ng Diyos. 8 Sapagkat sinasabi ko na si Cristo ay
ginawang ministro ng pagtutuli dahil sa katotohanan ng Diyos, upang
kaniyang mapagtibay ang mga pangakong ibinigay sa mga magulang. 9 At
upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Diyos dahil sa kaniyang
kahabagan; gaya ng nasusulat, Kaya ngat ikaw ay aking pupurihin sa
gitna ng mga Gentil. At aawit ako sa iyong pangalan 10 At muling
sinasabi niya, Makigalak kayo, kayong mga Gentil; sa kaniyang bayan.
11 At muli, Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Gentil;
12 At muli, sinasabi ni Isaias, Magkakaroon ng ugat kay Jesse, At
siyay lilitaw upang maghari sa mga Gentil; Ay sa kaniya magsisiasa ang
mga Gentil. 13 Puspusin nga kayo ng Diyos ng pagasa ng buong kagalakan
at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayoy managana sa pagasa sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. 14 At ako naman sa
aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo mga kapatid ko, na
kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman,
na ano pat makapagpapaalala naman kayo sa isat-isa.
Iyan ang katotohanan at ang kaalaman ng katotohanan na nagbibigay sa
atin ng kakayahan na itama at pasiglahin, pangaralan at pakitaan ng
magandang halimbawa ang bawat isa. Iyan ang nagagawa ng pag-ibig dahil
ang pag-ibig ay sumusunod sa katotohanan.
15 Ngunit sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang
pagpapaalala sa inyo, dahil sa biyaya na sa akin ay ibinigay ng Diyos,
16 Upang akoy maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil na
nangangasiwa sa ebanghelyo ng Diyos, upang ang mga Gentil ay maging
kalugodlugod na handog, palibhasay pinapaging banal ng Espiritu Santo.
17 Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na
nauukol sa Diyos. 18 Sapagkat hindi ako nangangahas magsalita ng
anomang mga bagay, maliban na sa mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan
ko, sa pagtalima ng mga Gentil, sa salita at sa gawa. 19 Sa bisa ng
mga tanda at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu ng
Diyos; ano pat buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa
Ilirico, ay aking ipinangaral na lubos ang ebanghelyo ni Cristo; 20
Aking nilayon na maipangaral ang ebanghelyo, hindi doon sa
napagbalitaan na kay Cristo, upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng
pinagsaligan ng iba; 21 Kundi, gaya ng nasusulat. Makakakita silang
mga hindi dinatnan ng mga balita tungkol sa kanya, At silang hindi
nangapakinig, ay mangakakatalastas.
Iyan ang ating tungkulin. Hindi natin gusto na magtayo ng isang pang
pundasyon ng isang tao. Ang mga tao na nakarinig na ng salita ng Diyos
ay hindi na nangangailangan pa sa atin. Ang ating tungkulin ay humayo
at ituro sa mga tao na hindi pa nakarinig ng salita ng Diyos. Ang
layunin ng pananampalataya at ng pag-tawag sa atin ay upang tulungan
ang bawat isa at ipangaral ang salita ng Diyos, na ayon sa kakayahan
ng bawat isa. Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng pagpapakita ng salita
ng katotohanan.
2 Mga Taga Corinto 4:2 Bagkus tinanggihan naming ang mga kahiyahiyang
bagay na nangatatago, na hindi kami nagsisilakad sa katusuhan, ni
nagsisigamit man na may daya ng mga salita ng Diyos; kundi sa
pagpapahayag ng katotohanan ay ipinagtatagubilin ang aming sarili sa
bawat budhi ng mga tao sa harapan ng Diyos.
Ang ganito’y naging mas malinaw sa loob ng nakaraan. Humigit sampung
taon. Ito iyong paggamit sa salita ng Diyos sa panglilinlang ng mga
nagkukunwaring lingkod ng Diyos. Upang mapanatili ang bilang ng mga
miyembro at di nililinaw sa mga tao kung ano talaga ang kanilang
pinaniniwalaan. Isang ministro ang nagsabi dati sa kanyang mga
nasasakupan na siyay magbabakasyon sa isang iglesia na linggo ang araw
ng pagtitipon. Ginagawa nila kung ano ang gusto nilang gawin. Bakasyon
siya?. May parusa para sa mga ganyan at iyan ay ang kanyang kanang
kamay ay matutuyong mainam at ang kanyang kanang mata ay lalabong
lubos (Zech. 11:17). Sana kaawaan siya ng ating Panginoon –Ama.
Patawarin mo po siya, di niya nalalaman ang kanyang ginagawa. Iyan
lang maaring masabi natin. Idasal natin na sana ay maalis sa kanya ang
parusa.
2 Mga Taga Corinto 6:3-12 Na di nagbibigay ng kadahilanang ikatitisod
sa anoman, upang aming ministeryo ay huwag mapulaan; 4 Datapuwat sa
lahat ng mga bagay ay ipagkakapuri naming ang aming sarili, gaya ng
mga ministro ng Diyos, sa maraming pagtitiis, sa mga kapighatian, sa
mga pangangailangan, sa mga paghihinagpis, 5 Sa mga latay, sa mga
pagkabilanggo, sa mga kaguluhan, sa mga gawa, sa mga pagpupuyat, sa
mga pagaayuno; 6 Sa kalinisan, sa kaalaman, sa pagpapahinuhod, sa
kagandahang-loob, sa Espiritu Santo, sa pagibig na hindi pakunwari, 7
Sa salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Diyos; sa pamamagitan ng
mga sandata ng katuwiran sa kanan at sa kaliwa, 8 Sa pamamagitan ng
karangalan at ng kasiraang puri, sa pamamagitan ng masamang ulat at ng
mabuting ulat; gaya ng mga magdaraya gayon may mga mapagtapat; 9
Waring hindi mga kilala, gayon may mga kilalang mabuti; tulad sa
nangaghihingalo, at narito, kami ay nangabubuhay; gaya ng mga
pinarusahan, at hindi pinapatay; 10 Tulad sa nalulungkot, gayon may
laging nangagagalak; tulad sa mga dukha, gayon may nangagpapayaman sa
marami; gaya ng walang anomang pagaari, gayon may mayroon ng lahat ng
mga bagay. 11 Ang aming bibig ay bukas para sa inyo, Oh mga taga
Corinto, ang aming puso ay lumalaki. 12 Hindi kayo nangakasisikip sa
amin, kundi nangasisikipan kayo sa inyong sariling pagibig.
Ang kaisipan dito ay ang kabuoan ng kaalaman sa mga bagay na mabubuo
sa pangangaral ng salita. Ang salita ng katotohanan ay sentro sa
pangyayaring ito.
2 Mga Taga Corinto 7:14 Sapagkat kung ako ay nagmapuri ng anoman sa
kaniya dahil sa inyo, ay hindi ako nahiya; datapuwat kung paanong
sinabi naming ang lahat ng mga bagay sa inyo sa katotohanan, ay gayon
din naman ang aming pagmamapuri na ginawa ko sa harap ni Tito ay
nasumpungang totoo.
Kung gayon ang mga gawa ni Pablo, kung ipagmamayabang, ay batay sa
katotohanan. Ang lahat ng kabuoan ay sa katotohanan.
2 Mga Taga Corinto 11:10 Kung paaanong nasa akin ang katotohanan ni
Cristo, sinoman ay hindi makapipigil sa akin sa pagmamapuring ito sa
mga dako ng Acaya.
Siya ay nagmamalaki tungkol sa mga iglesia at hindi sa kanyang sarili.
Ang katotohanan ay kailangang maunawaang mabuti.
2 Timoteo 2:15-25 Pagsikapan mong humarap na subok sa Diyos,
manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumamit ng matuwid na salita
ng katotohanan.16 Datapuwat ilagan mo ang mga usapang walang
kabuluhan; sapagkat silay lalong magpapatuloy sa kasamaan. 17 At ang
kanilang salita ay kakalat na gaya ng ganggrena: na sa mga ito ay si
Himeneo at si Fileto; 18 Na mga taong tungkol sa katotohanan ay
nangasinsay, na sinasabing ang pagkabuhay na maguli ay nakaraan na, at
ginugulo ang pananampalataya ng iba.
Ito ay mga hidwang paniniwala. Nakita ko ang ganitong maling
paniniwala na nailathala sa isang libro sa Banal na mga Aral,
inilathala ng isang teologo ng ‘Seventh Day Adventist Chrurch’. Sinabi
niya na ang ‘wave sheaf offering’ ay nasa isang bigkis dahil ang mga
taong lumabas mula sa libingan at nabuhay na muli sa pagkamatay ni
Cristo ay tumungo lahat sa langit kasama ni Cristo. Ipinapahiwatig
dito na ang unang pagkabuhay na maguli ay nakaraan na at iyan ang ibig
sabihin doon. Hindi iyon ang unang pagkabuhay na maguli. Iyon ay
magaganap pa lamang.
19 Gayon may ang matibay na pinagsasaligan ng Diyos ay nananatili na
may tatak nito, Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya: at , Lumayo sa
kalikuan ang bawat isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon. 20
Datapuwat sa isang malaking bahay ay hindi lamang may mga sisidlang
ginto at pilak, kundi mayroon din namang kahoy at lupa; at ang ibay sa
ikapupuri, at ang ibay sa ikasisirang-puri.o
Sa iglesia lahat tayo ay may ibat-ibang tulong at gawain – ang iba ay
sa pinararangalan, ang iba ay sa nakakasirang-puri. Ang iba ay sa
mababang gawain.
21 Kung ang sinoman nga ay malinis sa alin man sa mga ito, ay magiging
sisidlang ikapupuri, pinakabanal, marapat gamitin ng mayari, nahahanda
sa lahat ng gawang mabuti.
Lahat tayo ay nagtataglay ng magkahalong katotohanan at kasalanan at
tayo ay mga nilinis sa ating mga kasalanan. Upang tayoy maging
sisidlan ng ikakapuri.
22 Datapuwat layuan mo ang masamang pita ng kabinataan, at sundin mo
ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pag-ibig, ang kapayapaan,
kasama ng mga nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis. 23
Ngunit tanggihan mo ang mga usapang walang kabuluhan at hangal, yamang
nalalaman mo na namumunga ng mga pagtatalo.
Iyon ang tunay na problema dahil sa pagiging mangmang, tulad halimbawa
ng kakulangan sa kaalaman, na humahantong sa alitan.
24At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagatlo, kundi
maamo sa lahat, sapat na makapagturo, matiisin.
Ang pagsisi ay katunayan ng pag-kilala sa katotohan at pagsasagawa ng
mga ito.
2 Timoteo 3:7-8 Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi
nakararating sa pagkaalam ng katotohanan. 8 At kung paanong si Jannes
at Jambres ay nagsilaban kay Moses, ay gayon din naman ang mga itoy
nagsisilaban sa katotohanan; mga taong masasama ang pagiisip, mga
itinakwil tungkol sa pananampalataya.
Sinoman na di tumanggap sa katotohanan ay kasing sama tulad nila
Jannes at Jamres. Sila ang dalawang salamangkero na kasama ni Paraon
sa Egipto at kinain ang kanilang ahas ng serpiyente ni Moses. Iyon ang
antas na ipinapataw ng Diyos at itinatawag sa mga taong tumatanggi sa
katotohanan sa pananampalataya.
2 Mga Taga Corinto 13:1-14 Ito ang ikatlo na akoy paririyan sa inyo.
Sa bibig ng dalawang saksi o ng tatlo ay papagtibayin ang bawat
salita.2 Sinabi ko na nang una, at muling aking ipinagpapauna, gaya
nang akoy nahaharap ng ikalawa, gayon din ngayon, na akoy wala sa
harapan, sa mga nagkasala nang una, at sa mga iba pa, na kung akoy
pumariyang muli ay hindi ko na patatawarin;
Siya ay malapit nang mawalan ng pasensiya sapagkat ang Ingelsia sa
Corinto ay puno ng kasalanan. Ang Diyos ay mabagal sa pagkilos at Siya
ay hindi pumupuksa sa iglesia at mga tao na ganoon na lamang. Ngunit
ang mga kandelero ay tintanggal dahil sa kasalanan.
3 Yamang nagsisihanap kayo ng isang katunayan na si Cristo ay
nagsasalita sa akin; na siya sa inyoy hindi mahina, kundi sa inyoy
makapangyarihan: 4 Sapagkat siyay ipinako sa krus dahil sa kahinaan,
gayon may nabubuhay siya dahil sa kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat
kami naman sa kanyay mahihina, ngunit kami ay mabubuhay na kasama niya
sa kapangyarihan ng Diyos sa inyo.
Si Cristo ay nabuhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Ang
Diyos lamang ang siyang immortal. Iyon ay mahalaga.
5 Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayoy nangasa
pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo
nalalaman sa ganang inyong sarili, na si Jesu Cristo ay nasa inyo?
Maliban na nga kung kayoy itinakwil na. 6 Ngunit inaasahan ko na
inyong mangakikilala na kami ay hindi itinakuwil. 7 Ngayoy
idinadalangin naming sa Diyos na kayoy huwag magsigawa ng masama;
hindi upang kamiy mangakitang subok, kundi upang gawin ninyo ang may
karangalan, kahit kamiy maging gaya ng itinakuwil. 8 Sapagkat kamiy
walang anomang magagawang laban sa katotohanan, kundi upang gawin
ninyo ang may karangalan, kahit kamiy maging gaya ng itinakuwil.
Wala kang magagawang kahit ano laban sa katotohanan ng Diyos. Ang
salita ng Diyos ay hindi bumabalik ng walang-kabuluhan. Maaari lamang
tayong kumilos sa katotohanan.
9 Sapagkat kamiy natutuwa kung kamiy mahina, at kayoy malalakas: at
ito naman ang idinadalangin naming, sa makatuwid baga’y ang inyong
pagkasakdal. 10 Dahil ditoy sinusulat ko ang mga bagay na ito
samantalang akoy wala sa harapan, upang kung nasa harapan ay huwag
akong gumamit ng kabagsikan, ayon sa kapamahalaang ibinibigay sa akin
ng Panginoon sa ikatitibay, at hindi sa ikagigiba.
Ang kapangyarihan na ipinagkaloob kay Juan ay para sa ikatututo at
pagpapasigla, ng pagtatatag ng iglesia sa katotohanan.
11 Sa katapustapusan, mga kapatid, paalam na. Mangagpakasakdal kayo;
mangaaliw kayo; mangagkaisa kayo ng pagiisip; mangabuhay kayo sa
kapayapaan: at ang Diyos ng pagibig at ng kapayapaan ay sasa inyo. 12
Mangagbatian ang isat isa sa inyo ng banal na halik. 13 Binabati kayo
ng lahat ng mga banal. 14 Ang biyaya ng Panginoong JesuCristo, at ang
pagibig ng Diyos, at ang pakikipisan ng Espiritu Santo ay sumainyo
nawang lahat.
Kung hindi natin pinahahalagahan kung ano ang katotothanan,
samakatuwid hindi tayo mga hinirang
Mga Taga Efeso 4:17-32 Ito nga ang sinasabi ko, at sinasaksihan sa
Panginoon, na kayoy hindi na nagsisilakad pa na gaya naman ng lakad ng
mga Gentil, sa pagpapalalo sa kanilang pagiisip, 18 Nasa kadiliman ng
kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Diyos, dahil sa
kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso; 19 Na
sila sa di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang
kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman. 20 Ngunit kayoy
hindi nangatuto ng ganito kay Cristo; 21 Kung tunay na siyay inyong
pinakinggan, at kayoy tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay
Jesus. 22 At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na
nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga
kahalayan ng pagdaraya; 23 At kayoy mangagbago sa espiritu ng inyong
pagiisip, 24 At kayoy mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Diyos
ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan. 25 Kaya nga,
pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawat isa sa inyo
ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagkat tayoy mga sangkap na isat
isa sa atin. 26 Kayoy mangagalit at huwag kayong mangasala: huwag
lumubog ang araw sa inyong galit; 27 Ni bigyan daan man ang Diablo. 28
Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, na igawa
ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, upang siyay may maibigay sa
nangangailangan. 29 Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas ayon sa
pangangailangan, upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig. 30
At huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Diyos, na sa kaniya
kayoy tinatakan hanggang sa kaarawan ng pagkatubos. 31 Ang lahat ng
kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panlilibak,
ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:32 At
magmagandang-loob kayo sa isat isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran
kayo sa isat isa, gaya naman ng pagpapatawd sa inyo ng Diyos kay
Cristo.
Ang Banal na Espiritu ay isang tatak ng Diyos. Iyon ang paraan kung
saan ang 144,000 ay tinatakan – na may mga Banal na Espiritu na
patuloy na lumalago sa katotohanan.
31 Ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan,
at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang
akala:
Ang pagsasabi ng katotohanan sa mapanirang paraan at may masamang
hangarin ay kasamaan. Samakatuwid, mayroong katotohanan na maaring
sabihin, ngunit kung may kaakibat na masamang hangarin at
mapanirang-puri – ito ay hindi sa pag-ibig at samakatuwid ito ay
kasalanan.
32 At magmamagandang-loob kayo sa isat-isa, mga mahabagin, na
mangapatawaran kayo sa isat-isa, gaya naman ng pagpapatwad sa inyo ng
Diyos kay Cristo.
Ang katotohanan ay pag-ibig at kagandahang-loob at natutulad sa Diyos.
Mga Taga Efeso 5:1-2 Kayo ngay magsitulad sa Diyos, na gaya ng mga
anak na minamahal; 2 At magsilakad kayo sa pagibig, gaya rin namn ng
pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang
sarili, na hain at handog sa Diyos upang maging samyo ng masarap na
amoy.
Ang hain at handog na iyan ay tulad ng pag-aalay sa Diyos na
nakapalibot sa katotohanan. Ang dapat at di-dapat taglayin ng mga
hinirang ay ang mga tinutukoy sa mga taga Efeso 5.
Mga Taga Efeso 5:3-33 Ngunit ang pakikiapid, at ang lahat ng
karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng
nararapat sa mga banal. 4 O ang karumihan man, o mga mangmang na
pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayoy
magpasalamat 5 Sapagkat talastas ninyong lubos, na sinomang
makikiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga
diyos-diyosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng
Diyos. 6 Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang
kabuluhan: sapagkat dahil s mga bagay na itoy dumarating ang galit ng
Diyos sa mga anak ng pagsuway. 7 Huwag kayong makibahagi sa kanila; 8Sapagkat
noong panahon kayoy kadiliman, datapuwat ngayon kayoy kaliwanagan sa
Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga anak ng kaliwanagan 9
(Sapagkat ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at
katuwiran at katotohanan), 10 Na inyong pinatutunayan ang kinalulugdan
ng Panginoon; 11At huwag kayong makibahagi sa mga walang
mapapakinabangang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain;
12 Sapagkat ang mga bagay na ginawa nila sa lihim ay mahalay na
salitain man lamang. 13 Datapuwat ang lahat ng mga bagay pagkasawata
ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagkat ang lahat ng mga bagay na
itinatanyag ay kaliwanagan. 14 Kaya sinasabi niya, Gumising kang
natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni
Cristo. 15 Mangagingat nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad,
huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong; 16 Na inyong
samantalahin ang panahon, sapagkat ang mga araw ay masama.17 Kaya
huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang
kalooban ng Panginoon. 18 At huwag kayong magsipaglasing ng alak na
kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayoy mangapuspos ng Espiritu; 19 Na
kayoy mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa
espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa
Panginoon; 20 Na kayoy laging magpapasalamat sa lahat ng mga bagay sa
pangalan ng ating Panginoong JesuCristo sa Diyos na ating Ama; 21 Na
pasakop kayo sa isat isa sa takot kay Cristo. 22 Mga babae, pasakop
kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon. 23
Sapagkat ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo
na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan. 24
Datapuwat kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon
din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng
mga bagay. 25 Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya
naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili
dahil sa kanya; 26 Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa
pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita, 27Upang ang iglesia
ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o
kulubot o anomang gayong bagay; kundi itoy nararapat maging banal at
walang kapintasan. 28 Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake
ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga
katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang
sarili: 29 Sapagkat walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang
sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo
sa iglesia; 30 Sapagkat tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan. 31
Dahil ditoy iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa
kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman. 32 Ang hiwagang
ito ay dakila: datapuwat sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at
tungkol sa iglesia. 33 Gayon man ay umibig naman ang bawat isa sa inyo
sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang
babae ay gumalang sa kaniyang asawa.
Lahat ng pagliliwanag ng mga hinirang ay dahil sa katotohanan at
ginawa na may pag-ibig. Ang mga bunga ng Espiritu na humahantong sa
sitwasyon, bilang isang iglesia, bilang pamilya, o isang grupo ay
naisasagawa sa pamamagitan ng kabutihan at pagiging-matuwid at
katotohanan. Kapag wala ang katotohanan wala sa mga ito ang magiging
possible.
Mula sa Mga Taga Efeso 6:1-10 tayo ay humahantong sa kautusan sa mga
bata na sundin ang kanilang mga magulang at gawing alipin ang kanilang
mga panginoon. Ito ang mga kaugnayan ng mga grupo at mga pamilya.
Lahat ng mga ugnayang ito ay nakatalaga at umaasa sa katotohanan. Mula
sa Mga Taga Efeso 6:10-20 dito tinutukoy ang buong pananggalang
(Armour) ng Diyos.
Mga Taga Efeso 6:10-20 Sa katapusay magpakalakas kayo sa Panginoon, at
sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan. 11 Mangabihis kayo ng buong
kagayakan ng Diyos, upang kayoy magsitibay laban sa mga lalang ng
Diablo. 12 Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at
dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban
sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol
sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaligtasan
Paanong mas tunay nga ito na ngayong taon at sa loob ng isang dekada
na humigit pa sa kasaysayan ng tao? Maari mong sabihin na ang
nakalipas na dalawang Pandaigdigang Digmaan ay malubha lamang sapagkat
ang digmaan ay naganap na.
Ang espiritual na kasamaan sa bawat isa doon ay hindi hihigit kaysa
kung ano mayroon ang mundo ngayon. Paano pa kaya kalagim ang digmaan
na susunod?
13 Dahil dito masikuha kayo ng buong kagayakan ng Diyos, upang kayoy
mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay
magsitibay. 14 Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may
bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran.
Kung gayon, ang damit panloob ng baluti ng Diyos ay katotohanan.
Walang saysay ang pagsuot ng kahit anoman hanggat di mo pa isinusuot
ang iyong damit panloob. Lahat ng bagay ay itinatali ng katotohanan.
15 At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng ebanghelyo
ng kapayapaan. 16 Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng
pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas
na suligi ng masama. 17 At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng
kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Diyos.
Samakatuwid sa pagpapatibay ng katotohanan ikaw ay ganap nga sa
kakayahan na gamitin ang tatak ng salita ng Diyos. Ang Espiritu ay
isang tatak at siyang tatak ng Diyos. Sa Banal na Espiritu tayo ay
maaaring gumamit ng salita ng Diyos bilang sandata upang labanan ang
kasamaan. Kaya ang katotohanan ang pinaka-sentro sa pananampalataya.
Alin mang kasinungalingan ay wala sa katotohanan(1 Juan 2:21).
18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing
sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na
patungkol sa lahat ng mga banal. 19At sa akin, upang akoy pagkalooban
ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may
katapangan ang hiwaga ng ebanghelyo. 20 Na dahil dito akoy isang
sugong natatanikalaan; upang sa ganitoy magsalita na may katapangan
gaya ng nararapat na aking salitain.
Kapag tayo’y mga napili tayo ay di na maaaring mahulog pa sa
katotohanan
Mga Taga Hebreo 10:26-39 Sapagkat kung ating sinasadya ang pagkakasala
pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala
ng haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan. 27 Kundi isang
kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng
apoy na lalamon sa mga kaaway. 28Ang magpawalang halaga sa kautusan ni
Moses sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang
awa: 2 9Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, ang ihahatol na
nauukol doon sa yumurak sa Anak ng Diyos, at umaring di banal sa dugo
ng tipan na nagpabanal sa kaniya, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?
30 Sapagkat ating nakilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ako
ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan. 31
Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Diyos na buhay. 32
Datapuwat alalahanin ang mga nakaraang araw, na sa mga yaon,
pagkatapos na kayoy maliwanagan, ay nangagtiis kayo ng malaking
pakikilaban ng mga pagbabata; 33 Na una una ay naging isang katawan
dahil sa mga pagkasiphayo at gayon din sa mga kahirapan; at sa
ikalawa, ay naging kasama niyaong mga inaring gayon. 34 Sapagkat akyoy
nangahabag sa mga may tanikala, at tinanggap ninyo ng buong galak ang
pagkaagaw ng inyong pagaari, palibhasay inyong nalalamang mayroon kayo
sa inyong sarili ng isang pagaaring lalong mabuti at tumatagal. 35
Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala, na may dakilang
ganting-pala. 36 Sapagkat kayoy nangangailangan ng pagtitiis, upang
kung inyong magawa ang kalooban ng Diyos, ay magsitanggap kayo ng
pangako. 37 Sapagkat sa madaling panahon, Siya pumaparito ay darating,
at hindi magluluwat. 38 Ngunit ang aking lingkod na matuwid ay
mabubuhay sa pananampalataya: at kung siya ay umurong, ay hindi
kalulugdan ng aking kaluluwa. 39 Ngunit tayoy hindi doon sa mga
nagsisibalik sa kapahamakan; kundi doon sa mga may pananampalataya sa
ikaliligtas ng kaluluwa.
Ang buong konsepto ay mula sa katotohanan at salita ng Diyos.
Pagpapalakas sa bawat isa sa katotohanan ang paksa ni Juan. Ang
ikalawa at ikatlong sulat ni Juan ay humaharap sa katotohanan.
2Juan 1:1-3 Ang matanda sa hirang na ginang at sa kaniyang mga anak,
na aking iniibig sa katotohanan; at hindi lamang ako, kundi pati ng
lahat ng mga nakakakilala ng katotohanan. 2 Alangalang sa katotohanan
na nananahan sa atin, at sasa atin, magpakailan man: 3 Sumaatin nawa
ang biyaya, awa, at kapayapaang mula sa Diyos Ama at kay JesuCristo,
Anak ng Ama, sa katotohanan at sa pagibig.
May pagpapahalaga si Juan dito sa katotohanan at kung iyong titignan
ang panimula sa ikatlong sulat ito ay magkatulad:
3Juan 1:1 Ang matanda, kay Gayo na minamahal, na aking iniibig sa
katotohanan.
Kung gayon makikita natin ang buong konsepto ni Juan dito ay ang
pag-papahalaga sa katotohanan.
2Juan 4-11 Akoy lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa
iyong mga anak na nagsisilakad sa katotohanan, ayon sa ating tinanggap
na utos sa Ama. 5 At ngayoy ipinamamanhik ko sa iyo, ginang, na hindi
waring sinusulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating
tinanggap nang pasimula, na tayoy mangagibigan sa isat isa. 6 At ito
ang pagibig, na tayoy mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos. Ito ang
utos, na tayoy mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang
pasimula. 7 Sapagkat maraming magdaraya na nangasilitaw sa
sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si
JesuCristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang
anticristo. 8 Mangagingat kayo sa inyong sarili, upang huwag ninyong
iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan, kundi upang tanggapin ninyo
ang isang lubos na kagantihan. 9 Ang sinomang nagpapatuloy at hindi
nananhan sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Diyos: ang
nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak. 10
Kung sa inyoy dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay
huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin:
11 Sapagkat ang bumabati sa kaniya ay nararamay sa kaniyang masasamang
gawa.
Ang konsepto na si Cristo ay naparito at namatay at walang bahagi niya
ang hindi namatay. Nagpatuloy ito sa 3 Juan 2:12:
3 Juan 2-12 Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay
guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng
iyong kaluluwa. 3 Sapagkat akoy totoong nagalak nang magsidating ang
mga kapatid at mangagpatotoo sa iyong katotohanan, ayon sa paglakad mo
sa katotohanan. 4 Wala nang dakilang kagalakan sa ganang akin na gaya
nito, na marinig na ang aking mga kapatid at sa mga kapatid at sa mga
taga ibang lupa; 5 Minamahal, ginawa mo ang tapat na gawa sa lahat ng
iyong ginagawa doon sa mga kapatid at sa mga taga ibang lupa; 6 Na
siyang nangagpapatotoo ng iyong pagibig sa harapan ng iglesia: na
iyong gagawan ng magaling kung iyong tutulungan sila ng nararapat sa
Diyos, sa kanilang paglalakbay: 7 Sapagkat dahil sa Pangalan, ay
nangagsiyaon sila na walang kinuhang anoman sa mga Gentil. 8Nararapat
nga nating tanggaping mabuti ang mga gayon, upang tayoy maging kasama
sa paggawa sa katotohanan. 9 Akoy sumulat ng ilang bagay sa iglesia:
datapuwat si Diotrefes na nagiibig magkaroon ng kataasan sa kanila, ay
hindi kami tintanggap. 10Kayat kung pumariyan ako, ay ipaaalala ko ang
mga gawang kaniyang ginagawa, na nagsasalita ng masamang salita laban
sa amin: at hindi nasisiyahan sa ganito, ni hindi man niya tinatanggap
ang mga kapatid, at silang mga ibig tumanggap ay pinagbabawalan niya
at pinalalayas sila sa iglesia. 11 Minamahal, huwag mong tularan ang
masama, kundi ang mabuti. Ang gumagawa ng mabuti ay sa Diyos: ang
gumagawa ng masama ay hindi nakikita sa Diyos. 12 Si Demetrio ay
pinatotohanan ng lahat, at ng katotohanan: oo, kami man ay nagpatotoo
rin; at nalalaman mo na ang aming patotoo ay tunay.
Ang konsepto ni Juan sa katotohanan ang pangunahin sa kanyang mga
sulat. Ang katotohanan ang sentro sa pananampalataya. Ang maling
sistema patungkol kay Cristo na nagmula sa AntiCristo ay mga
kasinungalingan. Kung ang mga bagay na ito ay iyong napaiikot, at
hindi sa katotohanan, ikaw ay tumatanggap sa konsepto ng kamalian.
Samakatuwid, hindi katanggap-tanggap sa pananampalataya na iyong
pawalang-bahala ang katotohanan sa usaping pambibliya, at sabihing ang
mga itoy walang kaugnayan. Iyon ay hindi pagtanggap sa katotohanan.
Ang katotohanan ng Diyos ay matuwid na nauunawaan ng mga hinirang sa
Banal na Espiritu. Tayo ay nahaharap sa ganong proseso. Ang pamimili
ng katotohanan ay pagtalikod sa katotohanan, halimbawa iyong
tinatanggap ang mga katotohanan na nais mo lamang pakinggan. Sa ganong
paraan din ang pag-pili sa katotohanan ay hindi pag-papahalaga tungkol
sa doktrina ng PagkaDiyos. Ang pag-pili sa katotohanan ay hindi sa
kung iyong ipinapangilin ang Sabbath o ang Mga Banal na Araw o sa kung
anong araw mo sila tinutupad. Ang pag-pili sa katotohanan ay hindi sa
kung iyong ipinag-aalala kung iyong tinutupad ang Bagong Buwan o
kaya’y ikaw ay nag-iikapu. Mayroon mga taong hindi nag-iikapu. Ang
punto sa usapin ay ang pag-iikapu ay ang palatandaan ng pagsisisi at
pagbabalik-loob sa Panginoon sa katotohanan. Iniisip ng tao na mayroon
silang mga pagpipilian sa mga bagay na iyon – halimbawa na ang pagpili
sa katotohanan.
Ang buong katotohanan sa Bibliya ay kinakailangan ng pagkilos sa
pagtupad at sa pag-samba. Sa pamamagitan ng pag-alay ng iyong mga gawa
sa Panginoon, Siya na mismo ang magtatalaga ng iyong mga panukala.
(Mga Kaw. 16:3), hindi kabaliktaran. Kapag ikaw ay pinagkalooban ng
karunungan ng isang bagay, ikaw ay kumikilos patungkol dito. At ang
iyong mga kilos ay gagabayan at ang iyong pag-iisip ay matatatag sa
mas-kumpletong pangunawa sa iyong mga ginagawa.
Ang kasamaan ay bunga ng kasinungalingan at pandaraya dahil sa Diyos.
Ito ay hindi na natin matatawag na katotohanan. Ang ating paraan at
tungkulin ay ang pagpapangaral ng katotohanan ng Diyos, ang pagkilos
mula rito at pag samba sa Diyos sa espiritu at katotohanan sa
pamamagitan ng Banal n a Espiritu.

  • DEPARTMENT SAFETY STATEMENT DOCUMENT NO3 HAZARD IDENTIFICATION AND RISK
  • DISABILITY STATEMENT FOR SYLLABUS DISABILITY STATEMENT DEFINITION A STATEMENT
  • Rosemount House Committee Job Specification Job Title Support
  • THE RESEARCH FOUNDATION OF STATE UNIVERSITY OF NEW YORK
  • 8 CALIFORNIA 4H REPORT FOR PRIMARY MEMBERS MANUAL &
  • CURRICULUM VITAE DATE JUNE 1 2021 NAME MEI CHUNG
  • EXCEL LISTA 3 PLIK ĆWICZENIOWY Z3XLS ARKUSZ OCENY
  • GOSPODARSKE POGODBE POGODBA STRANKE OPOMBE GRADBENA POGODBA IZVAJALEC NAROČNIK
  • PRIJAVNICA NA NATEČAJ TOP OF FORM IME IN PRIIMEK
  • 17 U8 REFEREE GUIDE GUIDEBOOK AND RULES FOR THE
  • REVIEWING APPLICATIONS OBJECTIVE THIS GUIDE IS INTENDED TO
  • Pravidla Skupiny – Vzor 1 při Pravidelné Docházce na
  • PHỤ LỤC 03 DANH MỤC VÀ NỘI DUNG CHI
  • SANTOS DESEOS IGNACIO FUE UNA PERSONA DE GRANDES
  • DECRETO Nº (RA071402) UDAL GOBERNU BATZORDEAK BI MILA
  • THREE LITTLE BIRDS DON’T WORRY ABOUT A THING ‘COS
  • OITAVA ALTERAÇÃO DE CONTRATO SOCIAL (QUALIFICAÇÃO) INSCRITO NO CPFMF
  • “50 ANIVERSARIO DEL DERECHO AL VOTO DE LAS MUJERES
  • HELLENIC RARITIES COMMITTEE ANNUAL REPORT – 2015 THE FOLLOWING
  • DEPARTMENT OF POLITICAL SCIENCE SOCIAL SCIENCES ELEMENT GENERAL EDUCATION
  • THE DEATH OF HOPE SETTLING THE E1 BLOC NOVEMBER
  • EXTRA SUMS OF SQUARES IN R WE WILL WORK
  • MARYLAND STATE BOARD OF DENTAL EXAMINERS OPEN BOARD MEETING
  • DECISION AFTER A NEGATIVE RESULT OF A FIRST FORMAL
  • IČO 70418152 STANOVY ZAPSANÉHO SPOLKU VLASTNÍKŮ KABELOVÉHO ROZVODU TKR
  • 85 SAIBABA AND NARA NARAYANA GUFA ASHRAM PART I
  • 1) AŞAĞIDAKILERDEN HANGISI AĞ CIHAZIDIR? A EKRAN KARTI B)
  • DECLARACIÓ RESPONSABLE D’INICI D’ACTIVITAT PER A ESTABLIMENTS ALIMENTARIS DADES
  • LOGO DE LA EMPRESA LIMA DE …… DE
  • 866 PRAVILNIK O SPREJEMU OTROK V VRTEC STRAN 2784